Home NATIONWIDE Bam Aquino pabor sa paglilitis ng EJK cases sa PH courts

Bam Aquino pabor sa paglilitis ng EJK cases sa PH courts

180
0
Pinangunahan ni Senador Bam Aquino ang pagdinig ng Komite sa Batayang Edukasyon upang talakayin ang Senate Resolution No. 252 o ang mga Pampubliko-Pribadong Pakikipagtulungan bilang pangunahing estratehiya upang matugunan ang pagsisikip ng mga silid-aralan."Mahigpit na kinakailangan ang isang buong bansa, buong gobyerno na lapit upang matugunan ang krisis sa edukasyon. Ang pondong ito ay dapat gamitin upang magtayo ng mga silid-aralan sa tamang presyo, sa tamang paraan, at sa tamang oras,” sabi ni Aquino nitong Lunes, Pebrero 9, 2026.

MANILA, Philippines – Pabor si Senador Bam Aquino na dapat litisin sa korte ng Pilipinas ang lahat ng extra-judicial killing cases na nakahain sa International Criminal Court (ICC) laban sa ilang personalidad na sangkot sa madugong drug war sa panahon ng Duterte Administration.

Inihayag ito ni Aquino matapos pangalanan sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Bong Go bilang co-conspirators sa crimes against humanity na isinampa laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong ngayon sa The Hague.

Aniya, dapat harapin ng Pilipinas ang pagpatay na nangyari at isulong ang katarungan sa lokal dahil nandito sa bansa ang pamilya at biktima.

“The trials for these cases should ideally be held here in the Philippines because this is where the victims are,” ani Aquino saka idinagdag na mas makabuluhan ang paghahanap ng hustisya kung dito gagawin.

Pero, sa kabila nito, sinabi ni Aquino na kanyang inirerespeto ang gumugulong na proseso sa ICC na nakabase sa The Hague.

Aniya, nakatakdang pag-usapan ng mga senador ang bagay na kinasasangkutan nina Go at dela Rosa sa isang caucus pero kanyang iginiit na kailangan magkaroon ng pormal na pagkilos ang korte bago magkaroon sila ng konklusiyon.

Nakatakdang simulant ang confirmation of charges laban kay Duterte na magsisimula sas Pebrero 23 at isusunod ang pagdinig sa February 24, 26 at 27. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here