Home METRO Donasyon sa simbahan, iba’t-ibang uri ng pera narekober sa Cavite

Donasyon sa simbahan, iba’t-ibang uri ng pera narekober sa Cavite

213
0

CAVITE, Philippines – Isang lalaking kasabwat sa pagnanakaw sa isang simbahan kung saan iba’t-ibang foreign currencies at mga donasyon rito ang narekober makaraang ipagyabang nito ang dala niyang malaking halaga ng pera sa Gen Trias City, Cavite Lunes ng umaga.

Nasa kustodiya na ng General Trias Component City ang suspect na si alyas Ronald, 32 ng Brgy Adela Height, Gandara Samar at nakatakdang i-turn over sa Lian Municipal Police Station habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito na alyas Toto.

Batay sa nakalap na ulat, pumasok ang suspek sa loob ng isang beer house sa Brgy Manggahan, ng nasabing lungsod na may dalang sling bag at eco bag na may naglalaman ng malaking halaga ng pera at ipagyabang nito.

Base sa informant, nakitaan din ang suspek ng mga puting envelope na may markings ng isang simbahan.

Napag alaman na bandang alas-6:00 ng umaga kaagad na rumesponde ang pulisya sa lugar kung saan tinangka pa ng suspek na tumakas subalit dahil sa mga dala nito ay kung kaya kaagad itong nadakio.

Sa prisinto, inamin ng suspek na ang dala niyang eco bag at sling bag ay naglalaman ng pera galing sa ninakaw mula sa isang simbahan sa Batangas at sinamahan lamang nito ang isang alyas Toto na nagplano ng lahat.

Nakipag-ugnayan naman ang pulisya sa Lian Police Station sa Batangas matapos na nakumpirma na ang mga donations na pera ay galing sa St. John the Baptist Church sa Lian, Batangas.

Kabilang sa mga na-imbentaryo sa narekober na dala ng suspek ay isang Apple MacBook Air Laptop, isang Samsung na celphone, isang Realme na cellphone, 26 na iba’t-ibang foreign currencies kabilang ang 479 Hongkong dollars, 32 Singapore dollars, 1,140 Chinese currency, 164 UAE currency, 20 British pounds, 100 Oman currency, 5,000 Korean Won, P46,980.00 cash, dalawang wallet, unit ng cellphone, isang pares ng eyeglass, isang Nivea deodorant, isang lighter, isang coin/can box, isang charger cord, isang sling bag,at isang 113 na mga envelope na tatak ng simbahan.

Patuloy naman ang follow up  operation para sa agarang ikadarakip na suspek na si always Toto magpahhanggang  ngayon at nakalalaya pa. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here