Home METRO Ban sa e-trikes,e-bikes, 3 wheels sa nat’l road sa NCR kinondena

Ban sa e-trikes,e-bikes, 3 wheels sa nat’l road sa NCR kinondena

MANILA, Philippines- Sinabi ng ilang commuter at transport group na ang pagbabawal sa mga tricycle, pushcarts, pedicabs, kuliglig, e-bike, e-trike at e-vehicles (EVs) sa national roads sa Metro Manila ay “anti-poor.”

Para sa Manila Bike Commuter, ang pagbabawal na ipinataw ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay nagsasara sa marginalized sector mula sa paggamit ng ating mga kalsada.

Binigyang-diin ni Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na maraming motorista ang lumipat sa e-trikes dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon at para makatipid sa mataas na presyo ng gasolina.

Habang ang LSCP ay para sa pag-regulate ng mga e-trike, sinabi ni Inton na ang MMDA at iba pang ahensya ng gobyerno ay dapat magsagawa muna ng isang public hearing upang makagawa ng mga regulasyon na tumutugon din sa alalahanin ng e-trike owners.

“The implementation of such a ban will fail. It will fail to reduce road crashes and traffic. It will fail our environment,” sinabi naman ni Make it Safer Movements (MISMO) Cristina Batalla.

Dahil sa lahat ng argumentong ito, nanawagan ang mga grupo sa MMDA na muling isaalang-alang ang pagbabawal na magkakabisa sa Abril 15.

Wala pa namang tugon ang MMDA hinggil dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden