MANILA, Philippines – Inalis na ng Pilipinas ang ban sa pag-import ng domestic at wild birds, kabilang ang poultry products mula Denmark halos dalawang taon matapos na ipatupad ang direktiba.
Sa pahayag ni Department of Agriculture (DA) Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa
Memorandum Order. No. 50 na inisyu nitong Martes, inaalis na ang temporary import ban na ipinatupad noong Disyembre 2022.
Ang ban ay inalis matapos na abisuhan ng Danish Veterinary and Food Administration ang World Organization for Animal Health na lahat ng kaso ng highly pathogenic avian influenza sa European country ay naresolba na at wala nang karagdagang outbreaks ang iniulat mula Setyembre 12, 2024.
Sakop ng import ban ang domestic at wild birds at mga produkto nito, kabilang ang poultry meat, day-old chicks, eggs, at semen. RNT/JGC