Home NATIONWIDE Ban sa poultry importation mula Iowa, Minnesota kinalos na ng PH gov’t

Ban sa poultry importation mula Iowa, Minnesota kinalos na ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Kinalos na ng pamahalaan ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA), ang temporary ban sa importasyon ng domestic at wild birds mula sa dalawang US states.

Inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na agad na iiral ang order na nagtatanggal sa ban sa pag-aangkat mula Iowa at Minnesota.

Saklaw ng nakaraang ban, na ipinatupad mula noong nakaraang taon, ang poultry, poultry products, at by-products kabilang ang day-old chicks at mga itlog mula sa dalawang US states.

Inisyu ang temporary ban dahil sa outbreak ng avian influenza sa Iowa at Minnesota.

Ani Tiu Laurel, ibinatay ang pagkalos sa ban sa opisyal na ulat ng US veterinary authorities sa World Organization of Animal Health na nakaapekto sa mga lugar sa Iowa at Minnesota na wala na umanong highly pathogenic avian influenza cases mula January 10, 2024.

Ang US ay isang major source ng poultry products para sa Pilipinas.

Iniulat ng US Department of Agriculture’s Foreign Agricultural Service na noong 2023, nakapagpadala ito sa Pilipinas ng $180.5 milyong halaga ng poultry meat at products, maliban sa mga itlog. RNT/SA

Previous articleTolentino, nakipagpulong sa mga awtoridad ng SLEX, NLEX, CALAX
Next articleSultan Kudarat bird flu-free na