Home ENTERTAINMENT Bandang Siakol, babawiin sa korte ng Repakol!

Bandang Siakol, babawiin sa korte ng Repakol!

Manila, Philippines- Ang iconic na bandang Siakol noong 90’s ay nagkaroon ng problema kaya ang vocalist songwriter nilang si Noel Palomo at lead guitarist na si Miniong Cervantes ay kumalas at nagtayo ng bagong banda na tinawag nilang Repakol.

Sumikat ang bandang Siakol noong 90’s bilang isa sa grupong nagpasimula ng alternative rock explosion sa bansa.

Si Noel ang vocalist at composer ng mga sikat na awitin ng Siakol tulad ng Bakit Ba?, Tropa, Gawing Langit Ang Mundo, Ituloy Mo Lang, at marami pang iba.

Ang kasama ngayon nina Noel at Miniong ay galing din sa iba’t ibang banda kaya gusto nilang magpakilala bilang bagong grupo.

Ang iba pang bumubuo ng Repakol ay sina Alvin Palomo (guitar), Wilbert Jimenez (guitar), Raz Itum (bass guitar), and Zach Alcasid (drums).

Desididong bawiin nina Noel at Miniong ang pangalan ng dati nilang banda. Nabanggit ito ng kanilang abogado: “Legally sina Noel at Miniong ang Siakol and based on my conversation with other band members, si Raz last time ‘yung iba (naiwang members), they tried to register the name Siakol or the trademark kaya sina Noel at Miniong, they tried to appeal. Kaya the court will decide on the appeal.”

Esplika naman ni Miniong, “Ongoing pa po yung usapin ukol sa legal owners ng Siakol, bale hinihintay na lang po yung final decision. Nagkaroon na po ng mga hearing… hopefully dumating na siya agad.

“Ang mahalaga ay makuha po namin yung para sa amin, iyong tamang… legal rights na para sa amin.”

Ito naman ang pahayag ni Noel, “Basta ang mahalaga po makuha lang namin (yung name na Siakol), kasi… at saka halos kami nga ang Siakol, hindi ba? Iyong kumuha, wala namang pakialam iyon, eh.”

Aniya pa, “Kahit naman sino hindi ba,  yung ginagamit ang tatak nyo, iyong ano, tapos pati kanta, parang… wala eh… Kahit sa mga tao na lang, alam nila eh, ayaw nila eh, ‘Huwag nyong gamitin iyan, magbago na kayo,’ parang ganoon (ang sinasabi ng mga tao), eh.”

Samantala, nabanggit din ni Miniong na may nai-record na silang new songs. 

Aniya, “Actually, mayroon na kaming nagawang bagong songs na nai-record na, may apat na songs na po kaming nai-record na, abangan po ninyo.”

Anyway, ang Repakol ay nakatakdang sumabak sa mga gigs sa Amerika mula April hanggang June, 2024. Kaya nagpapasalamat ang grupo dahil may producer na nagtiwala sa kanila para makapag-concert sa US. 

Ito ang EDREN Entertainment at tinawag ang concert nila na Repakol Tropa US Tour na sisimulan sa April 20, 2024 sa Rams Head Live; April 26 sa 58 Manor; April 28 sa Port ‘N Starboard Ocean Front Banquet Center; May 11 sa UR Coliseum; May 18 sa Buko Resto-Bar; May 24 sa Patio Theater, at June 15 sa Fox Theatre.

Makakasama ng grupo sa kanilang US Tour sina Paul Sapiera ng Rockstar/Arkasia (Fox Theater California), The Melllow Dees Band na binubuo nina Melody Del Mundo ex Sugar Hiccup vocals and guitar, Wolf Gemora ng Wolfgang, at Locomotiv (drums), at Nievera a.k.a Robin Nievera. Nonie Nicasio

Previous articleAngara: Senado may sariling schedule sa economic Cha-cha hearings
Next articlePagtapyas sa PH economic growth targets ipinahiwatig ni Recto