Home METRO Banggaan ng dyip, motorsiklo sa Rizal, iniimbestigahan ng LTFRB

Banggaan ng dyip, motorsiklo sa Rizal, iniimbestigahan ng LTFRB

1
0

RIZAL, Philippines – Iniimbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang fatal road crash sa San Mateo, Rizal kung saan nasawi ang isang 43-anyos na babaeng motorcycle rider noong Agosto 20.

Ayon sa LTFRB, iniulat na nagsagawa ng sunod-sunod na overtaking ang driver ng passenger jeepney at gumamit ng kabilang linya hanggang sa hindi na nito naiwasan ang motorsiklo.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, mabilis ang takbo ng jeepney umano dahil sinusubukan ng driver na makakuha ng mas maraming pasahero.

Malubhang nasugatan ang rider at dinala sa ospital, ngunit kalaunan ay namatay.

Dahil sa insidente, naglabas ang LTFRB ng show-cause order laban sa operator ng jeepney at iniutos na isuko ang plaka ng sasakyan. Sinuspinde rin ng 30 araw ang operasyon nito.

Maaari ring bawiin ang prangkisa ng operator dahil sa pag-empleyo ng isang reckless driver.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang LTFRB sa pamilya ng biktima at nangakong bibilisan ang imbestigasyon upang matukoy ang pananagutan at makamit ang hustisya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here