Home METRO Patuloy na pagguho ng lupa sa Sabtang, Batanes ibinabala

Patuloy na pagguho ng lupa sa Sabtang, Batanes ibinabala

1
0

BATANES, Philippines – Nagbabala ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Batanes sa patuloy na pagguho ng lupa at bato malapit sa Barangay Chavayan, Sabtang dahil sa tuloy-tuloy na malakas na ulan.

Bandang 5:33 a.m. nitong Linggo, iniulat na muling nagkaroon ng landslide sa kalsadang patungo sa barangay.

“Continuous heavy rainfall since yesterday morning is causing recurrent landslides and rockslides along the road leading to Brgy. Chavayan. Even after initial clearing, falling rocks and mud debris continue to slide onto the carriageway,” sabi ng Batanes PDRRMO.

Patuloy ang clearing operations, ngunit muling bumabagsak ang mga bato at putik sa kalsada dahil sa unstable na dalisdis.

Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na iwasang dumaan sa apektadong kalsada upang maiwasan ang aksidente.

Kabilang ang Batanes sa mga lugar sa Luzon na nakararanas ng epekto ng Southwest Monsoon o Habagat. Inaasahang makatatanggap ang lalawigan ng 50 hanggang 100 millimeters ng malakas na ulan nitong Linggo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here