Home METRO Bangka tumaob, mangingisdang 3 araw nawawala natagpuan na

Bangka tumaob, mangingisdang 3 araw nawawala natagpuan na

MANILA, Philippines- Natagpuan na ng mga tauhan ng Coast Guard District North Western Luzon ang isang mangingisda na tatlong araw nang pinaghahanap sa baybayin ng Agno, Pangasinan.

Kinilala ng PCG ang mangingisda na si Dexter Abalos, 32-anyos at nakatira sa Brgy. Aloleng Agno, Pangasinan na pumalaot pa noong Pebrero 7.

Gayunman, nang pabalik na ito sa pampang, tinamaan ng dolphin ang kanyang motorbanca dahilan para tumaob ito.

Sa kabila nito, nagawa niyang lumangoy hanggang fish marker o payao at itinali ang kanyang motorbanca.

Naghintay siya ng ilang araw para siya ay ma-rescue.

Sa tulong ng PCG Aircraft (BN ISLANDER PCG- 251), natagpuan ang mangingisda ng air surveillance na ikinasa ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) ngayong Lunes ng umaga. Jocelyn Tabangcura-Domenden