Home METRO Bangkay binaunan ng bigas sa kabilang buhay

Bangkay binaunan ng bigas sa kabilang buhay

Bulacan – Isang hindi nakilalang bangkay ng lalaking may nakadagang sako ng bigas ang nadiskubre sa harap ng tindahan sa bayan ng San Rafael.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, natagpuan ang bangkay bandang alas-3:00 ng madaling araw nitong Marso 10 sa Brgy. Maguinao.

Ayon sa report ng pulisya, isang tawag sa telepono ang kanilang natanggap mula sa isang concerned citizen na nagsabing may natagpuang bangkay sa naturang lugar.

Dahil dito, agad tumungo ang mga pulis sa lugar hanggang sa tumambad sa kanila ang bangkay ng lalaking nakasuot ng itim na t-shirt at short sa harapan ng tindahan ng cassava cake at pichi-pichi.

Sinasabing ang natagpuang bangkay ng lalaking may nakadagan ng kalahating sako ng bigas ay pawang nakaapak lamang at nakapasubsob sa kalsada.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente. Dick Mirasol III

Previous articleP13.6M shabu nasamsam sa Sulu
Next articleGuro at 2 kasama arestado sa droga