Home METRO P13.6M shabu nasamsam sa Sulu

P13.6M shabu nasamsam sa Sulu

SULU – ARESTADO ng mga awtoridad ang isang paniniwalaan drug dealer matapos makuhanan ng P13.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang entrapment operation kaninang tanghali sa bayan ng Indanan.

Sa pinagsamang operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao; 110th Infantry Battalion-Philippine Army at Sulu Provincial Police Office, nadakip ang suspek na si Sakura Badih Astung, ng Barangay Tagbak Indanan, Sulu.

Narekober sa suspek ang cellphone, motorsiklo at dalawang kilo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P13.6 milyon.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa illegal na aktibidades ng suspek at agad itong isinailalim sa monitoring hanggang sa nagpositibo.

Inilatag ang operasyon laban sa suspek sa isa pa nitong kasama subalit mabilis na nakahalata ang kasama ni Astung na pulis ang kanilang ka-transaksyon.

Nagtangkang tumakas ang mga suspek subalit kalauman ay nadakip si Astung habang ang kasama nito ay nakatakas.

Inihanda na ang kasong isasampa laban sa suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleMiyembro ng ‘Sputnik Gang’ timbog sa boga sa Pasay
Next articleBangkay binaunan ng bigas sa kabilang buhay