Home METRO Guro at 2 kasama arestado sa droga

Guro at 2 kasama arestado sa droga

COTABATO CITY- KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang guro na kasapi ng LGBTQ community at dalawa nitong kasama matapos salakayin ng mga awtoridad ang drug den sa loob ng kapitolyo ng Bangsamoro region sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Wajid Ibrahim Galib, 64-anyos, guro; Ridzwan Ismael Abdulgani, 25, at John Lloyd Fernandez CompaƱa, 23-anyos, wanted sa kasong illegal drugs.

Sa pinagsamang operasyon ng PDEA-BARMM, Ministry of the Interior and Local Government-BARMM at suportado ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region, National Bureau of Investigation; at mga tauhan ng Bangsamoro regional police office.

Narekober sa mga suspek ang 11 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleBangkay binaunan ng bigas sa kabilang buhay
Next articlePNP AT DOH TUTOL SA PAGBEBENTA NG VAPE SA MENOR-DE-EDAD