Home METRO Bangkay na tadtad ng saksak, nadiskubre sa Rodriguez, Rizal

Bangkay na tadtad ng saksak, nadiskubre sa Rodriguez, Rizal

292
0

RODRIGUEZ, RIZAL — Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na may mga saksak sa ulo, dibdib, tagiliran, at binti sa bakanteng lote sa Sitio Rolling Hills, Barangay San Rafael, nitong Linggo ng madaling araw.

Ayon sa barangay, may packing tape ang ulo ng biktima at nakagapos ang mga kamay. Isang tricycle driver ang unang nakakita at nag-report pasado alas-5 ng umaga.

“Pagpunta namin doon ay agad naming na-verify na totoo, mayroong tao na nakahandusay,” ayon kay Rodolfo Ignacio ng Barangay San Rafael Public Safety Office.

Tinatayang nasa 35 hanggang 40 taong gulang ang biktima, may tattoo sa binti at tagiliran. Wala pang naiulat na nawawalang residente sa lugar.

Ayon sa SOCO, dalawang oras pa lang patay ang lalaki nang matagpuan. Kinuha na ang bangkay para sa imbestigasyon habang tinutukoy na ng pulisya ang posibleng suspek.

“Hindi po kaya ng isang tao lang ‘yung ganung sitwasyon na karumaldumal,” ayon kay barangay tanod Vivian Agronda. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here