Home NATIONWIDE Bangkay ng 2 negosyanteng Tsino umalingasaw sa CamSur

Bangkay ng 2 negosyanteng Tsino umalingasaw sa CamSur

MANILA, Philippines — Natagpuan sa Camarines Sur ang labi ng dalawang Chinese na negosyante na hinihinalang kinidnap, sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules.

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na natagpuan ang bangkay ng dalawang biktima — isang Chinese at Chinese-American — sa Sagñay, Camarines Sur noong Hunyo 24.

Sinabi ni Fajardo na dumating sa Ninoy Aquino International Airport noong Hunyo 20 ang mga biktima, na ang mga pangalan ay hindi pa alam sa publiko, sa imbitasyon ng mga business partners na mga Chinese din.

“Inimbitahan sila sa bansa para sa isang business venture,” sabi ni Fajardo sa mga mamamahayag sa isang panayam sa telepono.

Gayunpaman, noong Hunyo 21, nakatanggap ang mga kaanak ng P5-million ransom demand mula sa hindi pa kilalang mga salarin.

Positibong kinilala ng mga kaanak ng dalawang negosyante, na dumating sa bansa noong Hunyo 28, ang dalawang biktima, ayon kay Fajardo.

Kinumpirma rin niya na mayroon na silang mga persons of interest, ngunit hindi tahasang sinabi na ang mga negosyanteng Chinese ang nakilala ng dalawang biktima.

“As of now it’s still too early to [conclude] and we are looking from all angles. Obviously, na-anticipate ang pagdating nila dito, may sumundo sa kanila and that was the last time na may nakarinig sa kanila, including their families,” ani Fajardo said.

“Kaya hinahanap namin ngayon ang mga businessmen na nakilala nila noong June 20,” aniya pa. Santi Celario