Home METRO Dayuhan hinuli sa ‘atomic bomb’ joke sa Dipolog airport

Dayuhan hinuli sa ‘atomic bomb’ joke sa Dipolog airport

MANILA, Philippines – Hinuli ng mga awtoridad sa paliparan ang isang dayuhang lalaking pasahero dahil sa isang bomb joke sa Paliparan ng Dipolog sa Zamboanga del Norte.

Sa ulat mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines Area Center 9, nabatid na ang dayuhan ay nag-claim na may dalang atomic bomb habang siya at ang kanyang asawa ay naghihintay ng kanilang flight papuntang Maynila noong Miyerkules ng umaga, Hulyo 3.

Pinigil ang dayuhan at itinurn-over sa lokal na pulisya. Siya at ang kanyang asawa ay hindi nakasakay sa kanilang flight dahil sa insidente.

Pinarurusahan ng Presidential Decree No. 1727 ang mga bomb joke na may parusang pagkakakulong ng hindi hihigit sa limang taon, o multang hindi hihigit sa P40,0000. RNT