CEBU CITY- HINIHINALANG biktima ng salvage o summary execution ang natagpuan bangkay ng isang babae na itinapon sa dagat sa kahabaan ng viaduct South Road Property, kahapon ng umaga sa lungsod na ito.
Ayon kay Major Efren Diaz Jr., hepe ng Mambaling Police Station, bandang 6:00 AM mg matagpuan ang bangkay ng biktima sa naturang lugar na sakop ng Barangay Mambaling.
Sa pagresponde ng mga tauhan ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office at pulisya, inilarawan lamang ang biktima na may taas na 5’3, nakasuot ng kulay itim na pantalon, at polo shirt.
Kwento ng isang kawani ng Bantay dagat , bandang 4:00 AM nakarinig siya ng isang sasakyan na pumarada sa gilid ng kalsada at may bumabang tao saka inihagis ang bangkay ng biktima.
Dinala na labi ng biktima sa St. Francis Funeral Homes at nanawagan na rin ang mga awtoridad sa publiko na may nawawalang isa sa miyembro ng kanilang pamilya.
Nagpapatuloy naman ang ginawang pagsisiyasat ng mga awtoridad para malaman ang pagkakakilanlan sa suspek at motibo sa krimen./Mary Anne Sapico