Home METRO P13-M Marijuana bricks nasabat sa naaksidenteng SUV

P13-M Marijuana bricks nasabat sa naaksidenteng SUV

ARITAO, Nueva Vizcaya – Umaabot sa P13 million ang halaga ng Marijuana Bricks ang nadiskubre ng pulisya sa loob ng naaksidenteng SUV sa kahabaan ng Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa ipinarating na ulat kay PCol. Jectopher Haloc, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO, una silang nakatanggap ng ulat kaugnay sa aksidenteng kinasangkutan ng isang Mitsubishi Expander na may plakang GL 562A kung saaan kalaunan ay nag resulta para matuklasan nila ang milyong halaga ng Marijuana Bricks.

Agad nilang ini-hold ang mga suspect subalit nakatakas ang isa.

Ayon sa Driver na nakaidlip umano siya habang nagmamaneho at tumama sila sa concrete barrier na nagresulta ng aksidente.

Una rito ay nasilip ng mga rumespondeng pulis ang ilang sako na bahagyang nakabukas na karga ng sasakyan kaya naghinala sila na maaaring may iliggal na ginawa ang mga sangkot sa aksidente, maliban pa sa nadiskubre nila na isa pang sako na iniwan sa di kalayuan ng isa sa mga tumakas na suspek.

Umabot sa 111 na piraso ng marijuana bricks ang nadiskubre na may kabuuang halaga na P13,320,000.00.

Nagresulta ito sa pagkakahuli ng dalawang suspek na sina Jan Paulo Navarro, 24-anyos traysikel drayber, residente ng commonwealth Quezon City at Marc Ivan Ventura, 21-anyos na residente naman ng Tarlac.

Nakatakas naman ang isa nilang kasamahan na si alyas Yas.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ng Aritao Police Station upang matukoy kung ang mga suspek ay miyembro ng isang Organized Group dahil sa malaking halaga ng Marijuna na nasabat mula sa kanilang pag-iingat.

Napag-alaman na galing sa Kalinga ang mga naturang illegal na droga o marijuana na nakatakdang ibenta sa kalakhang Maynila. Rey Velasco