Home METRO Bangkay ng bata lumutang sa Taal Lake!

Bangkay ng bata lumutang sa Taal Lake!

MANILA, Philippines- Tatlong magkakapatid ang naliligo sa Taal Lake nang masawi ang bunso sa mga ito matapos aksidenteng malunod, habang ligtas ang kuya at ate ng biktima, nitong Huwebes sa Barangay San Felipe, Cuenca, Batangas.

Base sa imbestigasyon ng Cuenca Municipal Police Station, dakong alas-3 ng hapon nang magkasundo ang tatlong magkakapatid na maligo sa Taal Lake kung saan kapwa hindi marunong lumangoy ang mga ito na humantong sa pagkalunod ng biktimang si Ayessa Marie Hosmillo y Agao.

Napag-alaman na kasama ng biktima ang kanyang ate na si Mira Hosmillo y Agao, 18, at kuya na si Mateo Hosmillo y Agao, 14, nang maganap ang aksidente, kung saan hindi umano napansin ng magkakapatid na nalibang sa paglangoy na nakarating na sila sa bandang malalim. Dahil kapwa hindi marunong lumangoy ang mga ito, nasawi sa pagkalunod ang bunsong kapatid at nakaligtas naman ang nakakatandang kapatid nito. Ellen Apostol