Home METRO Bangkay ng engineer, 1 pa lumutang sa ilog

Bangkay ng engineer, 1 pa lumutang sa ilog

Bulacan – Isang bangkay ng 38 anyos na engineer at kasamahan sa trabaho na tinangay ng rumaragasang agos ang narekober ng mga awtoridad sa Angat river nitong hapon ng September 18.

Kinilala ang biktima na si Roxan Limus, 38, engineer at 24 anyos na survey aid kapwa empleyado ng construction company na nagsasagawa ng survey at water level monitoring activities.

Ayon sa report, ang unang biktima ay narekober ng search and rescue teams, bandang 12:50 ng tanghali sa Angat river sakop ng Brgy. Makinabang, Baliwag.

Nalamang bandang 3:50 ng hapon ay natagpuan din nila ang isa pang biktima sa Angat river sakop ng Brgy.Cambaog, Bustos.

Sinasabing ang Engineer at ang kasamahan ay gumaganap sa kanilang tungkulin nang tangayin nang rumaragasang agos sa ilog sakop ng Brgy. Makinabang, Baliwag nitong September 17.

Bumuhos ang pakikiramay ng mga kakilala, kaibigan, kaanak at mga kasamahan sa trabaho sa mga biktima at naiwang pamilya.(Dick Mirasol III)