Home METRO P4M marijuana, winasak sa Ilocos Sur

P4M marijuana, winasak sa Ilocos Sur

ILOCOS SUR-Nagkakahalaga ng P4,124,000.00 ang mga fully grown at marijuana seedlings na pinagbubunot at sinunog sa Brgy. Licungan, Sugpon ng lalawigang ito kahapon, September 18.

Sa ipinadalang ulat sa Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO), apat na plantation site ang natagpuan ng mga otoridad na nagsasagawa ng COPLAN “Weedtracker” (marijuana eradication) sa nabanggit na lugar.

Unang nadiskubre ng grupo ang may lawak na 300sq.m. na natatamnam ng humigit-kumulang sa 1,200 na fully grown marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P240,000.

Humigit-kumulang naman sa 9,100 na fully grown marijuana plant na nagkakahalaga ng P1,820,000 ang nadiskubre ng mga otoridad sa pangalawang site na may lawak na 1,300 sq.m.

Nakadiskubre naman ang grupo ng humigit-kumulang sa 1,600 na marijuana seedlings na tinatayang nagkakahalaga ng P64,000 mula sa pangatlong site na may lawak na 400sq.m. samantalang sa ikaapat na site na may lawak na 5,000sq.m. ay nakadiskubre naman ang mga otoridad ng humigit-kumulang sa 50,000 na marijuana seedlings na tinatayang nagkakahalaga ng P2,000,000.

Sa kabuuan ay may 10,300 pieces na fully grown marijuana at 51,600 ang pinagbubunot at sinunog ng grupo mula sa mga naturang taniman ng marijuana.

Ang operating units ay binubuo ng mga personnel mula sa ISPDEU (lead unit), ISPIU, 1st PMFC, PDEA RO!-ISPO at Sugpon MPS.

Walang naarestong marijuana cultivator sa mga naturang taniman ng marijuana. Rolando S. Gamoso