Home METRO Bangkay ng lalaki itinapon sa bakanteng lote sa Antipolo

Bangkay ng lalaki itinapon sa bakanteng lote sa Antipolo

ANTIPOLO CITY- PINANINIWALAAN biktima ng summary execution o salvage ang natagpuan bangkay ng lalaki na natagpuan sa bakanteng lote noong Martes sa lungsod na ito.

Ayon sa Antipolo Police Station, nakatanggap sila ng report hinggil sa pagkakatagpo sa bangkay ng lalaki sa bakanteng lote na sakop ng Barangay San Jose, Antipolo City.

Inilarawan lamang ng pulisya ang biktima na may mga tama ng bala ng baril sa katawan, may taas na 5’3 talampakan, nakasuot ng kulay blue na hood jacket, puting shorts at itim na tsinelas.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan sa biktima at motibo sa krimen para matunton ang salarin. Mary Anne Sapico