Home NATIONWIDE FPJ Panday Bayanihan lumalakas; Pangatlo sa SWS survey

FPJ Panday Bayanihan lumalakas; Pangatlo sa SWS survey

Manila, Philippines – Patuloy na lumalakas ang suporta ng publiko sa FPJ Panday Bayanihan Partylist, na ngayon ay nasa ikatlong pwesto sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations.

Pinangunahan ni Brian Poe bilang unang nominado, ang partylist ay isa na sa tatlong pinakapinipili ng mga botante, kung saan tumaas ang preference nito sa 4.76 porsyento mula sa dating 2.45 porsyento noong nakaraang buwan.

Ang SWS survey, na iniutos ng Stratbase, ay isinagawa mula Pebrero 15 hanggang 19 at may 1,800 na respondents na may ±2.31 porsyentong margin of error.

Ayon sa batas ng partylist, ang sinomang grupo na makakakuha ng hindi bababa sa 2 porsyento ng kabuuang boto ay magkakaroon ng kahit isang puwesto sa House of Representatives.

Hango sa diwa ng Da King na si Fernando Poe Jr., layunin ng FPJ Panday Bayanihan na tugunan ang mahahalagang suliraning panlipunan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat komunidad—isang adhikain na tumatatak sa puso at isipan ng maraming Pilipino.

“Ang pinakabagong survey na ito ay patunay na naniniwala ang mga tao sa FPJ brand ng serbisyo publiko! Nakikita nila ang lahat ng aming nagawa nitong nakaraang dekada, at alam nilang patuloy kaming magsisikap para sa bayan,” ani Poe.

Kamakailan lamang ay isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan ang kanilang kickoff rally sa San Carlos, Pangasinan, at isang engrandeng rally sa Batangas, na dinaluhan ng libo-libong residente.

Kasama ni Poe sa partylist bilang ikalawa at ikatlong nominado sina Mark Patron at Hiyas Dolor. RNT