MANILA, Philippines – Isa na namang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Cavite-Laguna Expreessway (CALAX) sa madamong bahagi ng Brgy. Carmen, Silang, Cavite.
Inilarawan ang biktima na nakasuot ng kulay red na t-shirt, maong pants, may bigote at balbas at nunal sa kaliwang mata.
Ayon sa ulat, bandang alas-4:48 kamakalawa ng umaga habang nagpapatrolya ang mga security guard ng CALAX sa bahagi ng Carmen, ng nasabing bayan nang napansin nila ang bangkay ng biktima.
Humingi ng tulong ang mga awtoridad sa Forensic Unit o SOCO upang masuri ang bangkay.
Matatandaan na isa ring naaagnas na bahagi ng katawan ang natagpuan sa Brgy. Kaong Silang, Cavite sakop ng CALAX noong Marso 18 ng kasalukuyang taon. Margie Bautista