Home NATIONWIDE Mas pinabuting socialized housing program isinusulong sa Kamara

Mas pinabuting socialized housing program isinusulong sa Kamara

MANILA, Philippines – Isinusulong sa Kamara ang panukalang magpapabuti ng paghahatid ng socialized housing programs.

Sa sesyon ng plenaryo nitong Miyerkules, Setyembre 4, ipinasa sa ikalawang pagbasa sa pamamagitan ng voice voting ang House Bill 10772, na naglalayong amyendahan ang Sections 10, 18 at 20 ng Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act.

Ayon kay Quezon City Representative Ma. Victoria Co-Pilar, layunin ng panukala na magbigay ng disente at abot-kayang pabahay sa underprivileged at homeless na mga mamamayan sa urban centers at resettlement areas.

“Housing is an essential component of human well-being, a necessity that provides not only physical shelter but also a sense of security, stability, and community. Access to adequate and affordable housing is a fundamental human right and is considered an important indicator of a country’s social and economic development as one of the factors that dictate the quality of life of a citizen,” ani Co-Pilar.

Anang mambabatas, ang housing backlog problem ay sumasalamin sa kakulangan ng lupain para sa residential projects, configured monitoring body, at kaugnayan ng pribadong sektor.

Layon ng panukalang batas na isama ang direct purchase at unsolicited proposals sa ilalim ng Public-Private Partnership Law bilang paraan ng pagbili ng lupa para sa socialized housing.

Isinusulong din nito ang institusyonalisasyon ng
incentivized compliance para sa balanseng housing program.

Target din ng panukala na mapabilis ang paghahatid ng housing units sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagpapasimple ng mga requirement ng local government units (LGUs).

Ani Co-Pilar, sisiguruhin ng panukala na makikinabang ang mga LGU mula sa housing development sa kanilang mga lokalidad. RNT/JGC