Home ENTERTAINMENT Lovi may paandar na tote bag sa mahilig mag-“Sharon”!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Lovi may paandar na tote bag sa mahilig mag-“Sharon”!September 5, 2024 16:56 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Toronto, Canada – Hindi kataka-taka kung pretty soon ay mauuso ang tote bag na ginamit ni Lovi Poe in her post.Hitting it big with her social media followers, very relatable naman kasi ang nakasulat sa tote bag.Written on it ay “Filipino party leftovers.”Bale ba, nasa harap si Lovi ng St. Lawrence Market sa Toronto, Canada.Nilapatan pa ito ng awitin ni SharonCuneta na Bituing Walang Ningning with emphasis on the lyrics “balutin mo ako…”Lovi aptly captioned her post with: “I-tag n’yo na ang friend n’yong mahilig mag-Sharon diyan! Lol!”Super relate naman kàsi ang mga kababayan natin sa practice ng pagbabalot ng mga tira-tirang pagkain sa tuwing may okasyon.Maging si KC Concepcion ay naaliw din.Same goes for Iza Calzado and Benjamin Alves na curious kung saan nabili ni Lovi ang tote bag specially designed for Pinoy “takehomers.”Eh, kesa nga naman masira, ipamigay na lang ang natirang pagkain, ‘no!Basta ba huwag lang magbabalot nang hindi pa nakakain ang lahat ng mga bisita. Ronnie Carrasco III