Manila, Philippines- Happy and proud kami sa aktor na si LA Santos sa nangyayari sa kanyang career ngayon.
After ng successful movie niya with Diamond Star Maricel Soriano last year, heto’t may bago siyang movie para sa 2024 Sinag Maynila Film Festival titled “Maple Leaf Dreams” directed by Benedict Mique.
“Napakita po namin ‘yung magandang side ng Canada. Nag-shoot po kami isa sa Niagara Falls po. Doon niyo po makikita na ako, na-fall,” masayang kwento ni LA nu’ng makusap namin kamakailan.
Inabot daw sila ng 15 days shoot sa Toronto, Canada.
And speaking of “falls,” we asked LA kung na-fall na sa kanya si Kira Ballinger sa loob ng 15-day shoot nila sa Canada.
Si Kira ang love interest ni LA sa “Maple Leaf Dreams.”
“Ano po, na-realized ko na sobrang galing ni Kira as an actress po. Kasi ano po ‘yun, e, siya po talagq ‘yung bagay na leading lady sa movie. Hindi lang po sa movie na ‘to kundi sa buhay ko rin po.”
Diretsahan na rin namin tinanong si LA kung sila na ba ni Kira in real life?
“Very close friends lang po talaga kami. ‘Tsaka kami po ni Kira ever since po nagbibiruan na kami ng ganito. ‘Tsaka alam ko naman na, uh, kahit nag-try ako, binabasted naman ako nito,” natatawang sagot ni LA.
Tapos ay si Kira naman ang humirit ng tanong sa taga-entertainment press sa intimate mediacon ng “Maple Leaf Dreams.”
“Pero gusto niyo po maging kami? ‘Yung totoo,” tanong ni Kira.
Then, we asked Direk Benedict kung paano ang proseso ng pagpili sa “Maple Leaf Dreams” bilang isa sa pitong pelikulang kasali in competition category ng Sinag Maynila 2024.
Paliwang ni Direk Mique, “Dito ano, hindi kasi network. Hindi kami hawak ng kung anumamg entity. So we need all the help we can get in term of marketing. So, we need your help.
“I think Sinag Maynila is a good move for us. It’s gonna promote the movie more. At the same time, there are few screenings for people, and by word-of-mouth na i-spread na maganda ang pelikula.
“That’s why we entered Sinag Maynila. And fortunately, I mean, alam ko ang daming nag-submit pala e.
“So, nagulat kami (kasi) for something na hindi kami ganoon ka-art-art nakapasok kami. It’s because of the merit of the film.
“I spoke to them and I asked bakit kami napili? E, it’s the merit of the film. Sabi nila, maganda ‘yung pelikula.”
Compared sa ibang films na in competition category ng Sinag Maynila 2024, hindi ganoon ka-“artsy-artsy” ang “Maple Leaf Dreams.”
Lastly, plano nila humingi ng suporta kay OWWA Chief Arnell Ignacio para sa “Maple Leaf Dreams.” Magpapadala raw sila ng sulat kay Arnell and hoepfully, they could get a favorable response.
Kasama rin sa movie sina Snooky Serna, Tirso Cruz III, Joey Marquez at iba pa.
Mapapanood ang “Maple Leaf Dreams” produced by 7K Entertainment, Lonewolf Films and Star Magic Studios during the Sinag Maynila filmfest until September 8.
Ipapalabas din sa major cinemas ang “Maple Leaf Dreams” on September 25. Julie Bonifacio