Home METRO Bangkay ng lalaki, nakitang palutang-lutang sa Agno river

Bangkay ng lalaki, nakitang palutang-lutang sa Agno river

PANGASINAN- Isang bangkay ng lalaki ang nakitang palutang-lutang sa Agno river sa Sitio Patalan, Brgy. San Pedro III, Alcala ng lalawigang ito bandang 11:00 ng umaga kahapon, Hunyo 7.

Ang naturang bangkay ay nakasuot ng gray t-shirt na may Batman logo sa harapan, blue/black board short, medium built, nasa 50-60 ang edad, at nasa 5’4” ang taas.

Nag-ooperate ng loader sa naturang lugar si Ray Vidal Sigabu nang makita nito ang palutang-lutang na bangkay sa ilog kaya tinawag nito ang kasamang si Richard Rivero Villafuerte para tingnan at iahon mula sa ilog ang biktima.

Pagkatapos nito ay agad nilang ipinagbigay-alam sa Alcala Municipal Police Station ang kanilang nadiskubre.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Alcala MPS para makilala kung sino at taga-saan ang biktima. Rolando S. Gamoso