Home NATIONWIDE Digital economy, pinagagamit sa kababaihan sa pag-unlad ng pamilya – senator

Digital economy, pinagagamit sa kababaihan sa pag-unlad ng pamilya – senator

MANILA, Philippines – Pinagagamit ng isang mambabatas sa kababaihan ang umuunlad na makabagong teknolohiya partikular sa digital economy upang makatulong sa pagpapaunlad hindi lamang ng sariling pamilya, kundi ang kabuuan ng bansa.

Sa pahayag, tinukoy ni Senador Cynthia Villar na mahalagang yakapin ng kababaihan ang technological advancements upang makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

“This is crucial as we face the challenges and seize the opportunities of the digital age,” ani Villar sa 18th Annual General Assembly of the Philippine Federation of Local councils of Women (PFLCW).

“By doing so, we can empower women to become leaders, innovators, and key decision makers in the digital economy,” dagdag pa niya.

Subalit, igniit ng senador na ang ‘gender digital divide’ ang hadlang sa women’s digital empowerment.

Sa buong mundo, 70% ng kalalakihan ang gumagamit ng internet kumpara sa 65% ng babae.

Sa low at middle income countries, sinabi niya na may l5% ng kababaihan ang maaaring hindi gumamit ng mobile internet.

Sinabi rin ni Villar na 24% lamang ng kababaihan sa buong mundo ang nakatala sa Information and Communication Technology (ICT) courses.

Nagdudulot ito ng kakulangan sa skilled workers.

Sa Pilipinas, sinabi ng senador na mas mataas ito ng konti sa 30-40%, subalit hindi pa rin ito sapat.

“We are missing the potential contributions of over half our population in developing a strong digital economy,” ayon kay Villar.

Binigyan diin niya na kailangang agarang matugunan ang “gender equality divide” sapagkat 90% ng mga trabaho ay mangangailan ng digital skills sa 2025.

“We, in the Philippine Senate, continue our commitment to address the challenges and opportunities in the digital world through various laws and bills,” pahayag pa ng senador.

Ang ilan sa mga ito ay ang – Republic Act (RA) No. 11293 o Philippine Innovation Act, RA 11337 o Innovative Startup Act, RA No. 11967 o Philippine Digital Workforce Competitiveness Act o Republic Act No. 11927, RA 11967 o The Internet Transactions Act, RA 11976 o The Ease of Paying Taxes Act, SB No. 2560: Anti-Financial Account Scamming Act or the AFASA. Ernie Reyes