Home METRO Empleyado ng tindahan patay sa pamamaril

Empleyado ng tindahan patay sa pamamaril

MANILA, Philippines – Itinumba ang isang 44-anyos na retail store empleyee sa Barangay San Mateo, Batac City, Ilocos Norte.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marlo Arconado ng Barangay San Pedro.

Sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle bandang alas-7 ng gabi kasama ang asawa nang paputukan ng gunmen na sakay ng motorsiklo.

Tumakas ang mga suspek habang dinala sa ospital si Arconado ngunit idineklarang patay dahil sa mga tama ng bala.

Narekober sa crime scene ang limang empty .45 caliber shells.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya. RNT/JGC