Home ENTERTAINMENT Sarah, pasimpleng rumesbak kay Anabelle!

Sarah, pasimpleng rumesbak kay Anabelle!

Manila, Philippines- Kung susuriin, ayaw ring magpakabog ni Sarah Lahbati sa kanyang biyenan.

Obyus na she won’t take things sitting down.

At eto na nga, may resbak si Sarah sa “manyika post” ni Annabelle Rama the other day.

Halatado naman kasing si Sarah ang pinariringgan ni Annabelle when she posted on Facebook na hindi raw lalaban si Annabelle doll (referring to herself) kay Barbie doll (Barbie Imperial) dahil maganda, maputi at makinis ito.

Sa mga mahilig sa horror films, obyus na hinango ni Annabelle ang pangalan ng mga manyikang ‘yon sa Child’s Play.

Mas bet daw kasing labanan ni Annabelle doll si Chucky doll.

Agad na kinunek ng mga netizens kay Sarah si Chucky lalo pa’t ipinost ng showbiz mom na: “Alam n’yo na ‘yon kung sino siya! Happy kanal?”

Hindi nga pinalampas ni Sarah ang cryptic post na ‘yon ng biyenan.

Sa pamamagitan ng video sa TikTok, finlex ni Sarah ang tagpong namimigay sila ng spaghetti sa mga boys.

Dayalog ni Sarah kay Kyline Alcantara: “Are you competing with me?”

Sagot naman ni Kyline kay Sarah: “Are you threatened?”

Ano pa ba ang puwedeng isipin sa TikTok video na ‘yon?

Sa pagkakataong ‘yon ay umani ng paghanga mula sa mga netizens si Sarah with the way she chose to retaliate against Annabelle.

Ayon sa mga ito, ang banat daw ng estranged wife ni Richsrd Gutierrez ay “subtle and classy.”

Kabaligtaran ito sa nagkakaisang reaksyon ng most netizens na hindi nagkagusto sa earlier post ni Annabelle.

Masagwa raw ang post ni Annabelle considering na ang inaaway niya’y ina ng kanyang mga apo.

For sure, we won’t see the end of this social media war! Ronnie Carrasco III