MANILA, Philippines – Patay ang isang babae at kaibigan nito matapos maaksidente sa minamanehong motorsiklo sa Sitio Barca, Barangay Jonob-Jonob, Escalante City, Negros Occidental.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Rafael Iwag ng Sagay City, Negros Occidental at Analie Edano, 28, ng Cadiz City, Negros Occidental.
Nasaktan din kasama nilang si Eliza Villaplaza, 23, ng Barangay Dian-ay, Escalante City.
Ayon kay Police Staff Sgt. Mark Janssen Guavez, traffic investigator ng Escalante City Police Station, patungo sina Iwag at Edano sa Barangay Dian-ay, Escalante City para ihatid pauwi si Villaplaza, back ride nila, nang mangyari ang aksidente.
Ani Guavez, mabilis ang patakbo ni Iwag habang paparating sa isang kurbadang bahagi ng kalsada.
Nawalan ng kontrol sa motorsiklo si Iwag kung kaya’t bumangga ang mga ito sa gilid ng kalsada. Walang mga suot na helmet ang mga biktima.
Idineklarang patay si Iwag at Edano habang nagpapagaling naman sa ospital si Villaplaza.
Posibleng nakainom umano ang drayber ng motorsiklo na mula sa isang pagtitipon kasama ang mga kaibigan. RNT/JGC