Home METRO Bangkay ng lalaki, tumambad sa Quiapo pumping station

Bangkay ng lalaki, tumambad sa Quiapo pumping station

204
0

MANILA, Philippines – Tumambad ang bangkay ng isang lalaki sa pumping station sa Quiapo, Maynila, Biyernes ng hapon.

Ayon sa ulat, tinatayang nasa 40–50 taong gulang ang biktima.

Sa Facebook post ng Metro Manila Development Authority (MMDA), mag-aahon sana ng basura nang makita ng kanilang tauhan na nakatalaga sa nasabing pumping station ang bangkay.

Nakahalo ang bangkay sa mga basura sa posisyon na nakadapa.

Agad namang nakipag-ugnayan ang MMDA sa Station 14 ng Manila Police District na mabilis namang rumesponde.

Ipinagbigay-alam na rin ng pulisya ang insidente sa SOCO na siyang magsasagawa ng imbestigasyon.
Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here