Home METRO Bangkay ng Navy intel officer nakitang tadtad ng bala sa Batangas

Bangkay ng Navy intel officer nakitang tadtad ng bala sa Batangas

BATANGAS – Umalingasaw ang bangkay ng isang Navy intelligence officer na nakitang tadtad ng bala sa Maharlika Highway sa Santo Tomas, Batangas.

Base sa kuha ng isang CCTV, isang lalaki ang nag-abondona sa  kaniyang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Pagkaraan ng dalawang araw, nakita sa loob ng sasakyan ang pinagbabaril na katawan ng 37-anyos na biktima.

Sa isinagawang backtracking operation, natuklasan sa ibang CCTV na nagmula sa Calamba, Laguna ang kotse bago iniwan sa Batangas.

Nadakip ang dalawang suspek sa South Luzon Expressway nang isagawa ang isang follow-up operation.

Isasailalim naman sa autopsy ang bangkay ng Navy officer, habang patuloy na inaalam ang motibo sa krimen. RNT