MANILA, Philippines – Hindi pa rin pwedeng lumaro para sa national volleyball team ng Japan si Jaja Santiago, na nakakuha ng Japanese citizenship kamakailan.
Ayon kay Asian Volleyball Confederation (AVC) president Ramon Suzara, ang isang bagong desisyon ng Fédération Internationale de Volleyball (FIVB) na nagsasaad na kapag ang isang manlalaro ay naglaro na sa pambansang koponan ng isang bansa, hindi na nila ito magagawa para sa ibang bansa.
“Kahit na may dalawang pasaporte si Jaja – isang pasaporte ng Pilipinas at isang pasaporte ng Hapon – nasa Pilipinas pa rin ang pinagmulan ng pederasyon. So when you change federation one time lang yan, hindi ka na pwede bumalik sa old federation mo,” ani Suzara, na kamakailan at naibotong AVC chief.
Si Santiago, na kilala ngayon bilang Sachi Minowa, ay dating naglaro para sa pambansang koponan ng Pilipinas, na ayon sa bagong desisyon ng FIVB ay hindi siya karapat-dapat na maglaro sa national team ng Japan.
“Ang problema, tatlo o apat na beses na naglaro si Jaja sa national team, kaya sa bagong panuntunan noong nakaraang taon, hindi na siya makakapaglaro sa Japan,” dagdag ni Suzara.
Kung nais ni Santiago na magpatuloy sa paglalaro ng volleyball sa pambansang antas, magagawa niya ito para lamang sa Pilipinas.
“Puwede pa siyang makipaglaro sa Pilipinas dahil ang federation of origin niya ay ang Pilipinas. Hindi passport ang basehan dito kung hindi federation of origin. So si Jaja is still Filipino by nature to play for the national team,” sabi ni Suzara.JC