Home HOME BANNER STORY Pagkukumpara ni Cayetano kay Ninoy, katawa-tawa – grupo

Pagkukumpara ni Cayetano kay Ninoy, katawa-tawa – grupo

2
0

MANILA, Philippines – Katawa-tawa para sa August Twenty-One Movement (ATOM) ang pagkukumpara ni Senador Alan Peter Cayetano sa kanyang mga paghihirap para sa liderato ng Senado, sa naging sakripisyo ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino laban sa diktadurya ni Marcos Sr.

Ayon sa grupo, ang pahayag na ito ni Cayetano ay “laughable and delusional”.

Sa Facebook live kasi ni Cayetano nitong Biyernes, Hunyo 12, tinalakay nito ang hirap ng mga bayaning Pinoy upang maabot ang kalayaan ng bansa at inihalintulad niya ang kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan ng Senado mula sa umano’y impluwensiya ng Malakanyang at laban sa korapsyon at kahirapan.

Dito na niya ipinakita ang ‘L’ sign na nangangahulugang ‘Laban’ na iconic symbol na ginamit bilang protesta sa rehimeng Marcos Sr.

“Gagamitin ko talaga yung laban kasi we have to continue fighting. Laban lang po. It’s worth the fight. We have to continue fighting,” ani Cayetano.

Sinasabi nina Cayetano at mga kaalyado na sila ay nakikipaglaban para sa katotohanan sa korapsyon sa flood-control projects at panatilihin ang kalayaan ng kapulungan mula sa executive branch, na kumikilala naman kay Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate president.

Tinawag ng ATOM ang paggamit ni Cayetano sa simbolo bilang “at the very least, laughable, at the very most, highly insulting, in general, delusional.”

Ipinunto ng grupo na si Aquino, na isang opposition figure na na-detain sa kulungan dahil sa diktadurya, “fought against fascism, corruption, and the lack of accountability, qualities which are evident among their camp’s patrons.”

Si Cayetano at mga kaalyado nito ay iniuugnay sa mga Duterte.

Sinabi ng ATOM na ang mga Duterte “along with the Marcoses, represent the very nature of the evil which Ninoy fought against.”

Kabaliktaran din umano ang sinasabi ng kampo ni Cayetano dahil mismong ang mga ito ang nag-endorso sa mga Marcos noong 2022 elections.

“You are not revolutionaries — you are ‘delusionaries,’ a new term coined especially for your lot.”

Dahil dito ay muling ipinanawagan ng grupo kay Cayetano na magbitiw na ito bilang senador dahil isa umano itong kahihiyan sa Senado at sa bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here