Home METRO Bangkay umalingasaw sa bangin sa Batangas

Bangkay umalingasaw sa bangin sa Batangas

BATANGAS – Natagpuan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na itinapon sa 10 metrong lalim na bangin sa Barangay Tanggoy, sa Balayan.

Inilagay ang bangkay sa loob ng isang sako at nasa advanced stage na ng decomposition na, ayon sa mga awtoridad.

Napansin ng concerned citizen na nakakita sa bangkay na may nakausli na paa sa sako kaya agad itong ini-report sa himpilan ng pulisya.

“Nakasuot po siya [yung bangkay] ng black shorts at shirt, tapos may tattoo po sa kanang braso pati sa kaliwang braso,” PLTCOL. Sinabi ni Merlin Pineda, Officer in Charge ng Balayan Police Station.

Nagtamo ng ilang saksak ang katawan.

Hinala ng mga awtoridad, posibleng itinapon sa lugar ang biktima.

Inilipat ang bangkay sa isang punerarya sa Balayan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Hinimok ni Pineda ang mga residente na mag-ulat kaagad sa pulisya sakaling makatuklas ng mga katulad na bagay. RNT