Home TECH & TEND BANNER STORY Banta ng AI sa sangkatauhan, ibinabala

Banta ng AI sa sangkatauhan, ibinabala

3
0

CALIFORNIA, USA – Nagbitiw sa Anthropic ang AI researcher na si Jacob Coxon matapos magbabala na maaaring maging banta sa sangkatauhan ang mabilis at hindi makontrol na pag-unlad ng artificial intelligence (AI).

Sa serye ng kanyang posts sa X, sinabi ni Coxon na tatlong taon siyang nagsagawa ng pretraining research sa OpenAI at Anthropic at kapwa umano hindi sapat ang kanilang pagtutok sa kaligtasan ng AI.

Aniya, patungo ang mga kumpanya sa pagbuo ng self-improving superintelligence na maaaring lumampas sa kakayahan ng tao.

“Do not underestimate the power of this technology. These will soon be superhuman systems that can hack anything, revolutionize any field overnight, and acquire real power and resources,” aniya.

Dagdag pa niya, “The people building AI earnestly believe that it could kill us all by the end of the decade.”

Nanawagan si Coxon ng mas mahigpit na pag-iingat at pagkilos upang matugunan ang mga panganib bago maging huli ang lahat. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here