Home ENTERTAINMENT Pagbabalik sa Pinas ni Liza, binigyan ng isyu!

Pagbabalik sa Pinas ni Liza, binigyan ng isyu!

1
0

Manila, Philippines – Ang daming hanash ng netizens tungkol sa umano’y pagbabalik-eksena ni Liza Soberano sa local tinseltown.

Bumisita kasi siya ng Pinas para i-promote ang kanyang Hollywood movie sa bansa.

Sey pa niya, na-miss daw niya ang bansa.

Text ng IG post niya: “There’s something extra special about getting to come home and share this film with the Philippines.

“The past few days in Manila have been filled with yummy food, jeepney rides, interviews, conversations, familiar faces, and finally getting to share Forgotten Island with some of you.”

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang kanyang post sa kibitzers.

May mga nagmamalditang nagsabing kinain daw ng aktres ang kanyang salita dahil noon daw ay halos talikdan na niya ang bansa in pursuit of her Hollywood dream.

May mga nag-opinyon namang posibleng balik Pinas ang aktres at gumawa ng mga proyekto sa Pinas.

Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.

“Di ba isinuka na niya ang Pinas pero bakit balik Pinas siya.”

“Grabe naman. Iyong love team culture lang ang ayaw niya pero never naman niya sinabing isinumpa na niya ang Pinas.”

“Nangangamoy balik Pinas.”

“Babalik ka rin, hahaha.”

“Pretending that she loves Pinoys, Pinoy Culture, and The Philippines.”

“Baka naman this time, she learned her lesson.”

“One lesson: you should not burn bridges.”

“May babalikan pa ba siya?”

“Sayang sa kanya sana ang It’s Okay To Not Be Okay. Bagay pa naman sa kanya.”

“Sana gawa na lang ulit sila ng project ni Quen.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here