Home HEALTH Banta ng osteoporosis sa mga Pinoy nakababahala – DOST-FNRI

Banta ng osteoporosis sa mga Pinoy nakababahala – DOST-FNRI

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) nitong Huwebes ang pagkaalarma sa banta ng osteoporosis sa Filipino adults, kung saan mayorya ng mga nakararanas nito ay dahil sa calcium deficiency.

Sinabi ng DOST-FNRI na lumabas sa 2021 Expanded National Nutrition Survey (ENNS) nito na 97.2 porsyento ng adults at 95.5 porsyento ng matatanda ang nakararanas ng calcium deficiency.

Iniulat ng institute na “one of the potential contributors to poor bone health that causes osteoporosis among Filipinos is low calcium intake.”

Nanawagan ito sa publiko na kumonsumo ng calcium-rich foods tulad ng small fish, shellfish, cereals, green leafy vegetables, at dairy products.

Dapat din umanong magpaaraw ang mga Pilipino, ayon sa DOST-FNRI, dahil kailangan ng sapat na vitamin D para sa mas epektibong pag-absorb ng calcium.

Gayundin, hinikayat ng DOST-FNRI ang national government na paigtingin ang food fortification program hindi lamang para sa milk products, kundi para rin sa food products na mainam na pinagkukunan ng calcium at vitamin D fortification.

Iminungkahi ng institute na magkaroon ang local government units ng “sustained efforts and structured public awareness programs” kung saan ibibida ang bone health, pagpapatupad ng primary prevention programs na tumututok sa modifiable risk factors tulad ng nutrisyon at lifestyle-related behaviors, at pagtatatag ng sapat na diagnostic facilities sa health centers para sa maagang pagtukoy sa osteoporosis. RNT/SA