MANILA, Philippines- Binabalak ng Department of Agriculture (DA) na maglagay ng label sa local at imported na bigas upang maiwasang magkahalo ang rice varieties.
Sa isang panayam, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na ang paglalagay ng label sa bigas sa retail markets “provides the needed information to consumers who want locally-produced or imported rice varieties.”
“That’s very important. We also plan to check on mislabeling activities on the ground,” wika ng opisyal.
“Definitely, may mga ganyang posibleng mislabeling. Paghaluhin, kung mas mura iyong isang klase ng bigas tapos ihahalo doon sa mas mahal tapos ibebenta nang mas mahal,” dagdag ni De Mesa.
Sumang-ayon naman si Federation of Free Farmers Cooperatives national manager Raul Montemayor sa DA official, at binanggit na halos magkatulad ang itsura ng ilang imported rice sa local produce at maaaring mapahalo ang mga ito.
Binanggit din niya na bagama’t karaniwang pinaghahalo ng ilang traders ang bigas “to satisfy the requirements of their market,” ilang ]traders ang nagre-“re-bag” ng imported rice at ibinebenta ito bilang local rice para sa mas malaking kita.
Hanggang nitong Huwebes, nagkakahalaga ang imported regular milled rice ng P48 kada kilo hanggang P51/kg; at well-milled rice ranges mula P51/kg hanggang P54/kg.
Samantala, ang presyo ng local regular milled rice ay P50/kg habang ang well-milled rice ay P48/kg hanggang P55/kg. RNT/SA