Home NATIONWIDE Banta ng Tsina tinalakay ni Austin; ‘ironclad treaty’ sa Pinas muling iginiit

Banta ng Tsina tinalakay ni Austin; ‘ironclad treaty’ sa Pinas muling iginiit

MANILA, Philippines- Sinubukan ni US Defense Secretary Lloyd Austin na muling pagtuunan ng pansin ang banta ng Tsina sa Pasipiko.

Sa katunayan, inulit nito na ang mutual defense treaty ng Estados Unidos sa Manila ay “ironclad.”

Si Austin, nagsalita sa annual Shangri-La Dialogue security summit sa Singapore, hangad na pagaanin ang mga alalahanin na ang tunggalian sa Ukraine at Gaza ay nakagambala sa security commitments ng Estados Unidos sa Asya.

Nauna rito, nakipagpulong si Austin sa kanyang Chinese counterpart na si Dong Jun, araw ng Biyernes, sa layuning palamigin ang alitan sa usapin mula Taiwan sa military activity ng Tsina sa South China Sea.

Nagkaroon kasi ng pagtaas ng alalahanin ukol sa napaulat na pagtuon ng pansin ng Washington na tulungan ang Ukraine laban sa pananakop ng Russia at suportahan ang giyera ng Israel sa Gaza, habang sinusubukan na tiyakin na ang hidwaan o tunggalian ay hindi lumaganap, alisin ang atensyon mula sa Indo-Pacific.

“Despite these historic clashes in Europe and the Middle East, the Indo-Pacific has remained our priority theater of operations,” ayon kay Austin sa kanyang talumpati, lumilitaw na naglalayong gawin ang ‘legacy’ ng administrasyon sa rehiyon lalo pa’t nalalapit na ang pagtatapos ng unang termino ni President Joe Biden.

Si Biden ay muling tatakbo sa eleksyon sa Nobyembre laban kay dating Pangulong Donald Trump.

“Let me be clear: The United States can be secure only if Asia is secure. That’s why the United States has long maintained our presence in this region,” ayon kay Austin.

Binigyang-diin ni Austin ang kahalagahan ng alyansa sa rehiyon.

“And … peaceful resolution of disputes through dialogue and not coercion or conflict. And certainly not through so-called punishment,” ang pahayag ni Austin.

Ang talumpati ay nakatuon sa aksyon ng Beijing sa rehiyon kabilang ang South China Sea, hindi naman pinangalanan ang Tsina sa malaking bahagi ng talumpati.

Sa naging pagpupulong araw ng Biyernes, binalaan ni Dong si Austin na hindi dapat makialam ang Estados Unidos sa mga nangyayari sa pagitan ng Tsina at Taiwan, ang sinabi naman ni defense ministry spokesperson Wu Qian. Inangkin naman ng Tsina ang ‘democratically governed island’ bilang sariling teritoryo nito.

May ilang US officials naman ang nagsabi na lumakas ang loob ng Beijing nito lamang mga nagdaang taon, kamakailan ay naglunsad ng tinatawag nitong “punishment” drills sa paligid ng Taiwan, nagpadala ng malalakas na armed warplanes at nagsagawa ng mock attacks matapos na ideklara si Lai Ching-te bilang Pangulo ng Taiwan.

Tinuligsa naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ‘illegal, coercive” at agresibong aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).

Tinuran ni Austin na ang harassment na kinahaharap ng Pilipinas ay mapanganib.

Inulit ng opisyal na ang mutual defense treaty ng Estados Unidos sa Manila ay “ironclad.”

“America will continue to play a vital role in the Indo-Pacific, together with our friends across the region that we share and care so much about,” ayon kay Austin. Kris Jose