Home NATIONWIDE Solid 7 ni Zubiri mananatiling ‘independent majority’ – Binay

Solid 7 ni Zubiri mananatiling ‘independent majority’ – Binay

MANILA, Philippines- Mananatiling “independent majority” ang miyembro ng Solid 7 ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri upang maging kritikal sa anumang deliberasyon sa Senado, ayon kay Senador Nancy Binay.

Bukod sa kanya at kay Zubiri, sinabi ni Binay na kabilang sa “Solid 7” sina Senador Joel Villanueva, Loren Legarda, Sonny Angara, JV Ejercito at Win Gatchalian na hindi tutugon sa anumang kompromiso.

“Parang at the moment majority pa naman kami, majority independent, parang kung ano sina Sen. Pia and Alan nung nag-umpisa kami during this Congress. So parang ganun din ang role namin,” ayon kay Binay.

“Syempre, ngayon pa lang yung mga panukala na nakasalang for interpellation titingnan natin kung ano ba dun ang mga dapat ayusin or kung okay na ba siya, and siguro nga yung budget titingnan natin, ngayon pa lang ipapa-review na natin kung ano na yung mga nagawa for this year’s budget at ano ang mga nagkaka-problema,” dagdag ng senador.

“So sa amin mababago ang mas independent ang mindset namin ngayon. Alam natin when you’re part of the majority may bagay-bagay na you have to compromise. But at this point hindi na yung level of compromise namin is not as big as before,” paliwanag ng senador.

“Yes. Mas may leeway to move dahil nga yung pagiging independent bloc namin.”

Kasabay nito, ipinaliwanag pa ni Binay na hindi unang pagtatangka ang naganap na kudeta laban kay Zubiri nitong Lunes, ilang araw bago magsimula ang adjournment sine die ng Kongreso.

Dahil dito, muling iginiit ni Binay na gusto nitong malaman ang kasagutan sa mga tanong kung bakit napatalsik si Zubiri kahit wala itong ginagawang kapalpakan upang mapatalsik siya pero mas paniniwalaan niya ang panghuhudas ng kasamahan.

“That’s the prevailing emotion. Kasi nga, buti sana kung yung mga kasamahan ko tamad, hindi pumapasok, makikita nyo naman kung sinong from beginning to end ng session kung sinong naiiwan sa floor. Kaya siguro ganito na lang ang nararamdaman namin,” ayon kay Binay.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit siya napaluha noong Lunes nang patalsikin si Zubiri sa pamamagitan ng isang resolusyon na nilagdaan ng kaalyado ni dating Pangulong Duterte at kasalukuyang administrasyon.

“Umiiyak kami hindi dahil natanggal kami. Umiiyak kami kasi well unang-una ramdam namin ang sakit. Di ba? Katulad ng sinabi niya he was heartbroken kasi inalagaan niya, inasikaso niya ang mga kasamahan namin. Tapos ganun na lang. Parang wala man lang pasintabi kasi di ba parang noong nandun na kami sa floor doon na lang nalaman eh. Sana before when they already had the numbers ano ba naman ang nagtext sila para sabihin na, pasensya na or… Dun na kami sa kabila. Which they did naman after. So siguro mas madaling magpatawad kung mas nauna nagpasabi kesa dun sa tapos na,” paglalahad pa ni Binay.

“And yun na nga hanggang ngayon hindi naman nila sinasabi ano ba talaga yung dahilan kung bakit napunta sila sa kabila,” giit pa niya.

Aniya,hindi ito ang unang pagtatangka na patalsikin si Zubiri.

“Actually hindi naman ito first time na may sumubok eh. Pero yung nauna hindi siya naging successful. So I think parang last week, last Wednesday parang may naririnig na nga kaming ugong na akala naman namin di ganun kaseryoso,” pahayag ng senador.

“Actually nalaman na lang talaga namin na wala nang numero nung Monday na mismo eh. Kasi nga gaya ng sinasabi ni Sen. Migz, yung mga nakakausap naman niya ay sinasabi sa kanya na di kami pipirma. Kaya laking gulat na lang namin ng Monday morning eh wala nang numero,” paliwanag ng senador.

Naalala pa ni Binay na noong Linggo ng gabi bago maganap ang kudeta ng Lunes, sapat ang numero ni Zubiri at hindi nila alam na si Escudero ang pasimuno ng resolusyon.

“Sunday night parang 13 pa kami. Nung umaga nga may tumatawag pa kay Migsz na parang I’m not signing. Tapos nung hapon, pumirma na pala,” pagbabahagi ni Binay.

“Paiba-iba din ang pangalan eh, kaya nga mahirap malaman kung ano talagang katotohanan kasi parang tuwing may usapin ng coup, iba-ibang names ang na-float.” Binay said. ” Siguro kasi nagkaroon siguro sila ng tasking? Si ganito in charge sa ganitong grupo, kaya I think they were able to get the numbers. Mukhang ganoon kasi pag sa floor nakikita mo kung sino kumakausap sa kung kani-kanino eh,” dagdag niya. Ernie Reyes