Home METRO Barangay chairman sumalpok sa sasakyan ng pulis, tepok

Barangay chairman sumalpok sa sasakyan ng pulis, tepok

ILOCOS SUR- Patay ang isang punong barangay matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa kasunod na sports utility vehicle na minamaneho ng pulis, noong Sabado sa bayan ng Santa ng lalawigan ito.

Kinilala ang biktimang si PB Jerome Jesus de Peralta Bueno IV, 40, ng Barangay Rizal, Santa.

Base sa kuha ng CCTV footage, minamaneho ng biktima ang kanyang Kawasaki motorcycle at binabaybay ang kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Labut Sur, Santa, Ilocos Sur.

Habang nasa kabilang linya ang biktima, bigla na lamang itong sumalpok sa sasakyan sa Mitsubishi Montero Sports Utility Vehicle na minamaneho ni Police Executive Master Sergeant Adelio dela Guardia, 49, ng Barangay Casantaan, Urdaneta City, Pangasinan.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Naglabas naman ng pahayag sa social media ang pamilya ng biktima na wala silang planong magsampa ng kaso laban kay Dela Guardia sa aksidenteng nangyari. Mary Anne Sapico