MANILA, Philippines- Patay sa pamamaril ng mga indibidwal na sakay ng isang kotse ang isang barangay chairman sa Jaen, Nueva Ecija.
Batay sa ulat nitong Huwebes, sinabi ng mga awtoridad na habang nakikipagkwentuhan ang biktima na punong-barangay ng Don Mariano sa labas ng isang establisimyento kasama ang apat pang indibidwal, tinigilan sila ng isang kotse saka pinagbabaril ang opisyal ng barangay.
Nadala pa ang biktima sa ospital subalit idineklarang dead on arrival, habang nakatakas ang mga salarin.
Inanunsyo naman ng lokal na pamahalaan ng Jaen ang P100,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa pagkakaresto sa mga salarin. RNT/SA