Home METRO Barangay kagawad todas sa pamamaril!

Barangay kagawad todas sa pamamaril!

129
0

CAMP FLORENDO, La Union- Patay ang isang barangay kagawad sa pamamaril sa Barangay Victoria, Alaminos City, Pangasinan noong Miyerkules.

Kinilala ni Police Major Jairilyn Camangian, Alaminos City deputy chief of police, ang biktima na si Recto “Romeo” Tabua, 57, kagawad ng Barangay Victoria.

Ani Camangian, nakaupo si Tabua sa isang covered basketball court nang pagbabarilin ito sa likod ng isang lalaking nakasuot ng itim na helmet, itim na jacket, at itim na pantalon, sakay ng itim na motorsiklo.

Nakatakas ang suspek habang dinala ng mga pulis ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay.

Narekober ng mga awtoridad ang tatlong empty shells ng handgun mula sa crime scene at kasalukuyang sinusuri ang surveillance cameras sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here