Home NATIONWIDE SC sa mga local gov’t: NFA ‘wag pagbayarin ng buwis

SC sa mga local gov’t: NFA ‘wag pagbayarin ng buwis

MANILA, Philippines- Libre sa pagbabayad ng real property tax ang mga ari-arian ng National Food Authority (NFA).

Sa 40 pahinang desisyon ng Supreme Court (SC) En Banc, pinawalang-saysay nito ang mga inisyu na notices of delinquency ng Tagum City Treasurer laban sa NFA na nagkakahalaga ng P2.6 milyon sa real property taxes.

Sinabi ng SC na ang NFA ay isang government instrumentality na exempted sa real property taxes batay sa Local Government Code of 1991.

Sa rekord ng kaso, nakatangap ang NFA ng pitong notices of delinquency mula sa Tagum City Treasurer noong 2016. Kinuwestyon ito ng NFA sa korte at iginiit na exempted ang ahensya sa pagbabayad ng buwis sa real property.

Gayunman, pinaboran ng mababang korte ang Tagum City local government at sinabing ang NFA ay isang government-owned and controlled corporation kaya dapat singilin ng real property tax.

Idineklara naman ng SC na hindi maaring buwisan ng lokal na pamahalaan ang national government.

“Tax exemptions for government agencies are recognized since a
tax on government property, whether national or local, would merely take money from one pocket and put it in another. Thus, under Section 133(o) of the Local Government Code, local governments cannot tax the national government.” Teresa Tavares