Home NATIONWIDE ‘Monster ship’ ng Tsina idineploy para takutin ang BRP Teresa Magbanua –...

‘Monster ship’ ng Tsina idineploy para takutin ang BRP Teresa Magbanua – PCG exec

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes na ang China Coast Guard ship CCG 5901, ang pinakamalaking coast guard ship na kilalang ” The Monster,” ay idineploy sa Escoda Shoal upang takutin ang BRP Teresa Magbanua.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, ang deployment ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal ay ang pinakamahabang deployment ng Coast Guard sa WPS.

Ang BRP Teresa Magbanua ay nakaistasyon sa Escoda Shoal simula Abril sa gitna ng ulat ng China reclamation activities sa lugar.

Ang Escoda o Sabina Shoal na matatagpuan 75 nautical miles o nasa 140 kilometro mula sa Palawan at itinuturing na nasa loob ng 200-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Gamit ang Canada’s Dark Vessel Detection technology, matagumpay na na-track ng Philippine Coast Guard ang galaw ng Chinese Coast Guard 163-meter monster ship, CCG-5901.

Noong Hulyo 1, umalis ang barko mula Hainan at pumasok sa ‘ Exclusive Economic Zone (EEZ) Pilipinas ng sumunod na araw.

Direkta namang naglakbay ito noong Hulyo 3 sa Ayungin Shoal at nagtungo sa Panganiban Reef.

Muling natukoy ang barko makalipas ang ilang oras habang patungo naman ng Escoda Shoal.

Iniradyo ito ng PCG BRP Teresa Magbanua at tinanong ang intensyon ng barko ng Tsina at binigyan-diin na ito ay nag-ooperate sa loob ng EEZ ng Pilipinas.

Dalawang araw na nakaangkla ang barko ng CCG sa Escoda Shoal malapit sa BRP Teresa Magbuana. Ang pagitan ng dalawang barko ay hindi bababa sa 800 yards kung saan nakaposisyon ang barko ng China sa starboard beam ng PCG vessel.

“Before meron pa siyang 0.5 nautical mile na layo pero ngayon meron lang siyang [several hundred] yards na layo sa BRP Teresa Magbanua,” giit ni Tarriela.

Mula Hunyo 17 hanggang 27, nagsagawa rin ang Chinese vessels ng mapanghimaaok na pagpapatrolya sa WPS. Jocelyn Tabangcura-Domenden