Home ENTERTAINMENT Barbie, may patutsada kay Sarah?

Barbie, may patutsada kay Sarah?

Manila, Philippines – Marami ang nagpapayo kay Barbie Imperial na maghinay-hinay sa mga salitang pinakakawalan niya.

Tulad na lang ng latest umano niyang sabi believed directed to Sarah Lahbati.

Concerned lang naman ang mga ito sa kanya as her words might get her into trouble.

Ani Barbie, wala raw siyang dapat ikahiya kung may namamagitan man sa kanila ni Richard Gutierrez dahil kapwa naman daw sila malaya at walang pananagutan.

Ayon naman sa mga netizens, lest Barbie forget ay hindi pa nadedesisyunan ng korte ang annulment case na isinampa ng either party para ipawalang-bisa ang kanilang kasal.

Samakatuwid, sa ilalim ng batas ay mag-asawa pa rin sina Sarah at Richard.

Kung tutuusin nga’y ikasasaya pa ng estranged couple na may kanya-kanya na silang buhay.

Ang mahalaga nama’y maayos ang kanilang co-parenting setup to their two kids.

Pero huwag naman daw sanang pangunahan ni Barbie ang mga bagay as things may change in the course of time.

Samantala, pinalagan ni Barbie ang isang Facebook page na nagkakalat ng pekeng balitang buntis siya sa Kapamilya actor.

In Barbie’s possession are screenshots of fake news reports na na nais niyang idulog sa mga kinauukulan. Ronnie Carrasco III