Home METRO Barangay kagawad todas sa pananaksak

Barangay kagawad todas sa pananaksak

LEGAZPI CITY- Patay ang isang opisyal ng barangay nitong Miyerkules matapos saksakin sa loob ng kanyang tahanan sa lungsod na ito.

Napaulat na pinagsasaksak umano si Noel Vargas, 66, konsehal ng Barangay Sabang, ng alas-5:15 ng hapon sa loob ng kanyang bahay, ng suspek na hindi tinukoy sa report, ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad.

Gumamit ang suspek ng matalim na armas, batay sa mga pulis.

Dinala si Vargas sa ospital subalit pumanaw din habang ginagamot.

Nadakip naman ang suspek matapos ang insidente habang patuloy ang imbestigasyon. RNT/SA

Previous articleNFA chief nanindigang walang iregularidad sa disposisyon ng rice stocks
Next articleTulak timbog sa P2M shabu