Home METRO Tulak timbog sa P2M shabu

Tulak timbog sa P2M shabu

LEGAZPI CITY- Nasamsam ng anti-narcotics team ang mahigit P2 milyong halaga ng shabu (crystal meth) at naaresto ang hinihinalang drug personality sa isang buy-bust operation nitong Miyerkules sa Naga City sa Camarines Sur.

Iniulat ni Lieutenant Colonel Chester Pomar, Naga City police spokesperson, na nagbenta ang suspek, na hindi tinukoy sa ulat, dakong alas-4:48 ng hapon, ng sachet ng shabu sa halagang P200,000 sa isang undercover agent sa Barangay Concepcion Pequeña.

Sa nasabing operasyon, narekober ng mga awtoridad ang halos 250 gramo ng shabu mula sa sling bag ng suspek, isang residente ng Pasig City na itinuturing na high-value drug personality.

Ani Pomar, nakumpiska ang 300 gramo ng ilegal na droga mula sa suspek, na kasalukuyang nakaditene at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA

Previous articleBarangay kagawad todas sa pananaksak
Next articleSenior nagulungan ng tanker, patay!